Baybayin: ang sariling sulat ng mga Pilipino

Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Español at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang Baybayin bilang sining. May mga grupong nabuo para muli itong buhayin at gamitin. May mga batas rin ang nagawa para itaguyod ito pati na rin ang iba pang mga sistema ng panulat ng Pilipinas.

Eto ang mga letra ng baybayin:

Ang mga titik ng Baybayin sa kolasyon nito: A, Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya, E/I, at O/U.

Isinakodigo sa Unicode ang mga titik nito noong 2002. Ipinanukala ito ni Micheal Everson noong 1998 kasama ng sulat Tagbanwa, Hanuno'o, at Buhid.

Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ang may hawak sa kasalukuyan sa pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang pagsulat sa Baybayin sa buong mundo. Dahil rito, binigyan ito ng nominasyon para mapasama sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO, kasama na ang buong unibersidad.

Wala pang tiyak na ebidensya kung saan nga ba nagmula ang baybáyin o kung sino ang mga bumuo nito. Ito ay simibol ilang dekadang taon na at ngayon ay muling binubuhay ng mga millennials ang baybáyin. Maraming nagtatalo kung dapat o hindi dapat nga ba itong ibalik para maging pangunahing pamamaraan ng sulat.

Ito ang aking opinyon ukol sa usapin na ito.

Tunay na napakagandang tingnan ng baybayin at nakakatuwa isipin na tulad ng Hangeul ng mga Koryano, Kanzi ng mga Tsino at Kanji, Hiragana at Katakana ng mga Hapon ay meron din tayong sariling "writing system" at ito ang Baybáyin. Ngunit dapat nga ba itong ibalik? 

Para sa akin ay hindi. Oo, maganda itong tingnan ngunit ito ba ay may maiidudulot na napakahalaga? Gusto lang natin ito ibalik dahil "aestheticness". Kaya natin ito ipreserve sa pamamagitan ng pag-aral nito at ang pag-aaral nito ay maganda dahil ito ay dagdag kaalaman pero ang ipipilit natin ito ibalik ay hindi na kinakailangan. Hindi lang Naman Kasi baybayin ang mga naimbentong pagsulat ng mga Pilipino. Napakarami pang iba.


Hindi ba't nagiging bias Tayo kung ipagsasapilitan natin ibalik ang baybáyin ng wala man lang respeto sa ibang lahi ng mga Pilipino. 

Para saakin ay mas mabuti na panatilihin n natin king ano ang mga ginagamit natin ngayon, salita man yan o sulat dahil kailangan natin mag "adapt" sa iba para Tayo ay makasabay sa globalisasyon.  



Comments