Baybayin: ang sariling sulat ng mga Pilipino
Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating ang mga Español at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling. Sa kasalukuyan, ginagamit ang Baybayin bilang sining. May mga grupong nabuo para muli itong buhayin at gamitin. May mga batas rin ang nagawa para itaguyod ito pati na rin ang iba pang mga sistema ng panulat ng Pilipinas. Eto ang mga letra ng baybayin: Ang mga titik ng Baybayin sa kolasyon nito: A, Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya, E/I, at O/U. Isinakodigo sa Unicode ang mga titik nito noong 2002. Ipinanukala ito ni Micheal Everson noong 1998 kasama ng sulat Tagbanwa, Hanuno'o, at Buhid. Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ang may hawak sa kasalukuyan sa pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang pagsulat sa Baybayin sa buong mundo. Dahil rito, binigyan ito ng nominasyon para mapasama